Linggo, Oktubre 22, 2017

PAG-ABUSO SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA

                                                                         Sa blog na ito maipapaliwanag ang mga gawaing pag-aabuso sa paggamit ng teknolohiya,ang pagkagumon ng mga tao lalo na ng mga kabatan sa iba't ibang uri ng teknolohiya , ang mga epekto na maidudulot ng teknolohiya sa lipunan mga masasama o mabubuting epekto nito.
                                           pag-aabuso sa teknolohiya ay isa sa mga suliranin ng lipunan na dapat tutukan, at iwasan , nawa'y mabigyan ng solusyon at tuunan ng pansin. Alam naman, nating nakadepende na sa tao kung paano niya kokontrolin ang paggamit ng teknolohiya, kapag ginamit ito sa mabuti at madalas maaaring maliit lamang ang epekto nito sa tao , at kapag ginamit ito ng lubusan at nakasanayan ng gamitin maaaring malaki ang epekto nito.
                                            Sa mabuting epekto tayo dadako, malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa ngayun dahil ito ay parte na ng ating buhay. Nagagamit ito ng mga estudiyante katulad namin sa takdang aralin, proyekto at iba pang gawain sa paaralan. Sa trabaho na gagamit din ito lalo na sa mga trabaho gumagamit ng computer sa buong araw. Oo nakakatulong ito at napapadali ang mga gawain ngunit may ruon itong malalang  epekto sa tao kapag napapadalas gamitin


  • Una, mayroon itong "RADIATION" na nakakaapekto sa pag iisip o pagana ng utak ng tao.
  • Pangalawa, pagkagumon ng mga kabataan sa teknolohiya, may iba ay umaabsent sa skwela, dahil dito na nagdudulot ng mababang marka sa pagaaral.
  •  Pangatlo, ang hindi pag sunod sa utos ng magulang dahil inuuna ang pag gamit ng teknolohiya.
  • Pang-apat, ay nakakahina ng " immune system " dahil sa mahabang oras na paggamit ng gadget at nakakalimutan  ng kumain sa tamang oras.
Panghuling epekto ay ang away kabataan sa social media, "CYBERBULLYING" kung saan ginagamit ang teknolohiya sa maling paraan.
                                      Sa ating bagong henerasyon lumabas ang mga makabagong teknolohiya na ngayon ay ginagamit na mga kabataan. Ang ilan sa atin ay inaabuso na ang paggamit ng mga teknolohiya.
                                                       Ito  man ay nakakasira sa atin, walqa tayong magagawa kapag hindi natin kayang kontrolin ang ating mga sarili na gamitin ito ng maayos. Huwag natin hayaan ang sarili na malulong at maging bisyo ang teknolohiya, huwag natin itong abusuhin sapagkat tayo din ang maaapektuhan sa ating mga pinaggagawa.

                                                      Paano ba maiiwasan ang pag-aabuso sa  iba't ibang teknolohiya?
                                   Ang disiplina ay nagsisimula sa ating sarili, maaarin natin itong maiwasan ito sa pagkontrol ng ating mga pinagagawa. Ginagamit man ito sa pang araw araw na buhay, wala tayong karapatan upang abusuhin ito. Gamitin ito sa tamang paraan at sa pangangailangan lamang . Hindi naman ito ginawa para sa atin upang mang gulo at manira ng buhay ng ibang tao. At kung ito man ay ginawa sa paninira ay sana hindi nalamang ito naimbento pa .
                                                        Ang layunin ng blog na ito ay manghikayat ng mga kabataan na mamulat sa katotohanan sa mga pangyayaring hindi na nila namamalayang mali na pala.




TAGAPAGPAHAYAG:      MICHELLE CABALLES
                                              ARNEL BENDIJO 
                                              EDRELL MARK MOSNIT
                                              ROCEL JOHN BATILLER
                                              MARLON BASALO 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento