Linggo, Oktubre 22, 2017

FACEBOOK ADDICTION


                                                FACEBOOK ADDICTION

     Facebook , isang pinakasikat na social networking site sa boung mundo na kina aadikan ng mga tao ngayon. Mas maraming mga kabataan o mellenial ang nag facebook ngayon. Kailangan ka muna mag sign in kung meron kanang account pero kapag wala mag sign up ka muna. Pero bakit sila naaadik sa Facebook? Ano ba ang nasa Facebook? Facebook is life na nga lang ba? Iniisip mo ba kung ano ang malaking ipekto nito sa inyong buhay? Nakakatulong ba ito sa iyong buhay? Nakakatulong ba sa iyo ang kakascroll down at scroll up? Mabubuhay ka ba kapag wala ang facebook? Facebook nga ba ang solusyon sa lahat o ang facebook ang hihila sayo patungo sa maling landas?
   
    Sa dirami-rami ng tao as mundo na gumagamit ng facebook ay isa na kami rito. Kaya nga ang katagang Think first before you click talagang nawala na sa isipan namin  ,halos minu-minuto nalang puro facebook ang ina atupag namin. Di man lang namin naisip na kailangan pala sa bawat hakbang ng buhay dapat iniisip ng maayos para tayoy mapabuti .Facebook na pwedeng sisira sa buhay natin at pwede ring magagamit natin para makipag komunikasyon .Pero kadalasan ngayon ang facebook di ginamit komunikasyon ng mga mahalagang tao sa buhay ,ginagamit na  sa mga maling Gawain. Kaya nga pati oras namin sa sarili ,sa pamilya wala na dahil sa kaka atupag ng Facebook. Facebook nga naman bakit nabihag pa ang puso namin na atupagin siya. Kaya napaisip kami ,kailangan na namin magbago dahil pati pag aaral wala na kaming paki alam.
     Ako si John Lloyd, ako ay adik sa facebook. Nagsimula akong nag facebook noong 12 years old pa lamang ako. Araw-araw ako nag fa-facebook kahit naka charge pa yung cellphone ko. Parang syota ko na yata ang Facebook dahil kahit hating gabi na nagfa-facebook parin ako at araw-araw nalang ako kulong sa kwarto para lamang mag facebook at ang time ko para maglaro ng basketball ay nagagamit ko lang para mag facebook pero may araw din na nagfa-facebook hindi para mang stalk o maglaro lang sa facebook kundi dahil nag bebenta at nagtatrade din ako ng "PS Vita games" pero ngayon tumigil na ako sa pagbebenta at pagtatrade ng PS Vita games at minsan nalang akong nag fa-facebook at hindi narin ako nagpupuyat para lang mag facebook at may oras narin akong maglaro ng basketball at may oras narin ako para sa pamilya ko at sa pag study ko.
 
     Ang facebook ay parang pag-ibig, dadating din yung araw na ma fa-fall ka sa kanya at dadating ang araw na ibibigay mo ang lahat ng oras mo sa. Dapat huwag niyong araw arawin ang pag fa-facebook dahil hindi niyo alam na may masamang dulot ito sa inyong buhay. Mabubuhay ka kahit wala ang facebook dahil hindi naman ang facebook ang dahilan kung bakit ka masaya kundi ang iyong pamilya , mga kaibigan,  at ang Panginoon ang dahilan kung bakit ka masaya. Kaya huwag kayong magpuyat ng dahil sa kaka-facebook lang dahil magdudulot yan ng sakit sa inyo. Mahalin mo ang kasulugan mo, parang pag-ibig lang yan, mahalin mo muna ang sarili mo bago yung iba.


Ipinasa nila:
John Lloyd Dalauta
Grace Chang
Grade 11 Archimedes

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento