Lunes, Oktubre 23, 2017

"MAAYOS NA KAPALIGIRAN PAANO MAISAKATUPARAN?"
(-Environmental Blog-)
nina: Gumubao, Capin, Quiroben, Lindo.
Ako po ay isang mag aaral sa Dacudao na may isang layunin sa ating kalikasan.Hindi lang po ako at kapwa mag aaral ko po ay may pananagutan kundi tayong lahat na naninirahan sa mundong ito may pananagutan sa nang yayari sa ating kalikasan .Ayon sa pamagat ay " paano nga ba natin maiisakatuparan ang maayos na kapaligiran ?" para sa akin simple lang ang mga gawin dapat sundin ang ating mga alintuntunin sa pangangalaga ng ating kapaligiran .Sa pamamaraan ng lagtapon ng basura sa tamang kalalagyan nito, gamitin ang tamang paraan ng pag rerecycle kagaya ng reduce, reuse, and recycle upang maiwasan ang pag dami ng mga basura .At may organization na nag lalayong tugunan ang pag tatanim ng mga punong kahoy upang makikinabangan sa pag pigil ng pag baha, pag tatanim ng gulay para ang mga batang dumaranas ng malnutrition.

Ngunit sa simpleng pag sunod ng mga gawaing ito ni hindi nga natin naiisakatuparan bagkus nag papalala pa sa pag palaganap ng pulosyon,usok at kalamidad na nag dudulot ng mga maraming masasaganang trahidya ang dumadating sa ating buhay dahil sa ating mga kapabayaan at walang pakialam sa mga nangyayari sa ating kalikasan. paano ba natin maisakatuparan ang pag kamit ng maayos na kapaligiran ni Hindi nga natin magagampanan ang ating mga responsebilidad ni pag tapon ng basura sa tamang lalagyan ay hindi pa natin magagawa pati na sa nadaanan nating basura di nga natin magawang pulutin ito .Tuwing dumarating ang mga pag baha, bagyo, o trahidya hindi ba natin maisipang itama ang ating kamaliang nagagawa? Sempling paraan pangangalaga ng ating kalikasan ngunit bakit ba pa ulit ulit tayong nangangako ngunit paulit ulit lang nating binabaliwala at kinalimutan ang mga ito.Hindi nga napansin at parang bulag sa mga nakikita sa mga pangyayari marahil mapapansin lang natin ang nga maling naidudulot natin kapag wala ng mapag kukunan ng mga pag Kain at kumakalam na ang ating mga sekmura o kayay maraming tao ang mamatay dulot ng mga unos na atin ring ginagawa .maraming mga mangingisda ang gumagamit ng daynamita upang mapadali at mapabilis ang paghuhuli ng mga isda ngunit imbes na nakakatulong mas pinalalapa nla ang sitwasyon , pwedi namang gumamit ng lambat namay katamtamang butas upang maiwasan ang pagkahuhuli ng mga maliliit na isda.

Ang isa ring dahilan sa pag baha ay ang pag puputol ng mga punong kahoy na mag dudulot ng landslide na para bang wala ng bukas .Hindi bat nila alam na pinapatay nila ang mga buhay at bahay ng mga ibon, hayop na kanilang kinagigisnang tahanan at dinadakip pa nila ang mga ito upang ibenta at mapagkikitaan sana maisipan natin ang mga pangyayari pagdadating na magkakaruon tayo ng mga anak. Di ba ayaw ninyong iparanas sa inyong mga anak ang mga masasamang naidudulot ng ating makasarili at katangahan ayaw ninyong ipadanas sa inyong anak ang mas malala pang setwasyon. paano nalang kung ang pulosyon ay nag dadala na ng matinding sakit na maari nlng ika matay . Diva ayaw nating makikita ang ating mahal sa buhay na nahihirapan dahil sa mga kagagawan nating kamangmangan .ito lang ang masasabi ko at naniniwala ako sa kasabihan na ito. "Ang mga maling ginagawa mo ay babalik at babalik din sayo .kaya huwag na nating ipag papatuloy ang ating mga maling ginagawa dahil ang kalikasan ay regalo ng puong maykapal sa atin upang aalagaan natin ito dahil dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan.

Wala tayong karapatan na sirain ito dapat nga tayoy mag papasalamat sa kanya dahil tayoy nabubuhay at naging maayos ang ating pamumuhay. Kaya bakit ba natin sinisira ito kung nakikinabangan nating lahat ang mga biyayang ibinigay niya imbes na sinisira natin bakit di natin pagyayabungin at payamanin ang mga ito na mas makikinabangan pa natin ng husto at ng bansa at ekonomeya sa pag-uunlad. Ang dali-dali lang sundin ang pag aalaga ng ating likas na yaman ngunit bakit Hindi natin magawa o sadyang tamad lang talaga tayong sundin ang mga ito .nginit Hindi matin ginagamit ang mga ito sapag aalaga ng ating kalikasan .kapag duma duma rating duma rating ang mga unos diyos kaagad ang ating sinisisi sa ating mga kagagawang kamangmangan at katamaran dapat na nating imulat at buksan ang ating mga mata at isipan.

Uumpisahan na nating baguhin ang ating nakasanayan maging matalino, mapagmatyag na mag aaral upang makamit ang ating mga mithiin na maging maayos at komportableng kinabukasan para sa bayan at mga bagong henerasyon. Disiplina at respeto ang kailangan para sa pag babago ng ating bansa. Gawin ang kailangan ang kailangang gawin para mapabuti ang kalagayan ng ating kalikasan dahil tayo rin ang aani ng ating pinaghihirapan at tagumpay.Dapat maging isa tayong modelo para sa mga mahahalagang sangkap upang makamtan at maabot and inaasan na maayos na kalikasan patungo sa magandang kinabukasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento