Fashion Blog
Ang Bagong Henerasyon
Sa panahon ngayon kung ikukumpara natin sa panahon nuon. Ang pananamit ay malayong-malayo sa bagong henerasyon, kung babalikan natin ang 80’s at 90’s o kahit man lang 90’s nakasuotan nuon. Kagaya na lamang ng mga mabubukang pantalon,mahahabang palda,mahahaba at malalaking damit,malulumang desenyo kung inyung mababalikan ang pormal na lumang kasuotan.Katulad na lamang ng barong tagalog (Kulay Puti) at pilipinyana (Kulay Degatas) matataas na manggas sa damit. At kung sa mga sayaw natin ikukumpara ang mga kasayawaan nuon ay tinikling o sayaw ng kawayan folk dance na binislakan. At kung mapapansin natin ang kanilang kasuotan na ginagamit nila ay pormang pilipinyana at pormal na pormal ito. Kumpara sa panahon ngayon maraming uri ng sayaw kagaya nalang ng Hiphop Dance, Modern Dance at kung mapapansin natin ito ay hindi na pormal dahil sa kanilang kasuotang maiiksi na damit. Atin ding mapapansin na halos makikita na ang buong katawan dahil sa kaiksian ng kanilang damit . At kung ating matatanaw o ating ikukumpara sa bagong henerasyon marami na ang kaibahan malayong malayo sa pananamit nuon. Kung ating matatanaw ngayon bilang isang mag-aaral sa bagong henerasyon ating mapapansin ang bagong mga kasuotan. Katulad na lamang ng mga bagong damit na V-Neck,Polo Shirts,Rip Jeans,Off Shoulder, Skirt,Long Sleve,Skiny Jeans At marami pang iba. At mapapansin natin ang kasuotan sa paa kagaya na lamang ng mga sapatos na mamahalin Adidas,Sneakers,Levis,Duck Side,CLN,Kickers,New Balance,Vans,Keds at kung sa mga tsinelas naman tayo hindi magpapahuli ang mga bagong uso na tsinelas tulad ng Manjaru,Sandugo,Islander,Tribu,Havainas . At kung mga gadget naman ang pag uusapan patok na patok ang mga high-tech na mga selpon katulad ng mga Iphone 4,5,6,7,Samsung J2,Samsung Galaxy,Samsung A7,Asus,Cherry Mobile,Vivo,0+,Oppo . At kung pag uusapan natin ang mga high-technology hindi magpapahuli ang mga computer,Projector,Internet,Aircon at marami pang iba mayroon na din tayong Rice Cooker,Oven,Washing Machine at marami pang iba na mabilis matapos ang iyong trabaho. At nakikita natin ngayon ang mga kabataan ay hindi nagpapahuli sa uso habang ang taon ay pataas ng pataas ang mga kagamitan naman ay paiba ng paiba. Maraming nangyayari sa bawat pagsapit ng taon ang bawat kada-taon unting-unti na ring nagbabago at hindi na nila iniisip ang kanilang mga kasuotan kahit ito ay malaswang tingnan sa mata ng mga tao . Dahil sa bagong henerasyon nababago rin ang mga ugali hindi lamang sa pananamit ng mga kabataan nawawalan na din ito ng respeto sa mga nakakatanda.Hindi na nila napapansin ang kanilang mga sarili sa kanilang suot na para bang natural lang ito sa kanila nagiging ordinary nalang ito sa kanila dahil nga sa makabagong henerasyon. Hindi naman lahat pwede nating bagohin dahil para maging sikat tayo at ka tanggap-tanggap para sa ibang tao bilang isa sa mga kabataan sa bagonghenerasyon o sa hinaharap wag nating kalilimutan ang mga kultura natin. Kung magbabago pa tayo marami bang magandang asal ang makukuha hindi lahat madadaan sa padalian hindi kailangan sumabay sa uso bawat taon dahil darating din ang panahon na ito ay luluma. Hindi kailangan magsuot ng magagarang damit,maiiksing damit na halos makikita na ang iyong katawan para lang matawag kang maganda ang tunay na kabataan kontento na sa anong meron siya at marunong makontento sa bagay-bagay. Hindi naman niyan ang basihan dito sa lupa kaya magsuot ng maayos upang ikaw ay respetohin ng kararamihan sana magmulat ang inyong mga mata sa katotohan maging totoo lamang sa iyong sarili ipakita mo kung ano ka at kung sino ka maging isang magandang halimbawa dito sa mundo.
Jessa May Samaco
Mary Grace E. Luchavez
Dayanna Maruyama
Ravin Cabiling
Proceso Macapaz
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento