Biyernes, Oktubre 27, 2017

Sorry po

Maam
Sorry na acedente nako nga na delete ang ubang blog kanang duha to ka bullying maam, Sa group ni Catubao og Parantar
sorry kaayo maam

                    Taga newton
                  Sorry kaayo maam

Miyerkules, Oktubre 25, 2017

SAYAW

        Ang pagsasayaw ay nakasanayan na ng mga ibang tao.Maraming mga nagsasayaw na dumaan sa hirap ng buhay kaya nag pupursige sila na maka sali sa contest.Ang pagsasayaw ay hindi lamang ang pinapalaganap nila ay nag papasikat lang sa ibang tao o nag papakitang gilas.Oo totoo ang iba  ganun nag papakitang gilas,pero ang totoo ang pagsasayaw ay isang ehersisyo o exercise na pwedeng maka tulong sa ating katawan para maiwasan ang ibat ibang sakit na nagdudulot sa atin ng kawalang ganang gumalaw at iba pa.Maraming gustong sumubok mag sayaw pero marami din ang nag sialisan dahil ang iba ay hindi nila kaya dahil mahirap mag pagalaw sa katawan,ang iba naman ay nag pupursige para mapatunayan nila na marunong din silang sumayaw at maipakita din nila na may magagawa din sila. Katulad namin, Oo inaamin namin na hindi pa kami bihasa sa pagsasayaw pero nag pupursige kami para pag dating ng panahon kami narin ang mag tuturo sa mga gustong gusto na sumayaw,dahil may kasabihan nga tayo na ang kabataan ang pag asa ng ating bayan at kapag may tiyaga may nilaga, Sa pagsasayaw naipapakita nila ang mga gusto nilang ipahayag o ipa hiwatig sa mga taong walang ibang magawa sa sarili kundi ang pagawa nang masama katulad ng pag dodroga o ibat ibang bisyu. Naipapakita nito kung ang kanilang gustong sabihin dahil madalas patayan dito patayan doon. Ang ibig sabihin nito gusto ng iba na sumayaw ka wag kang mag hanap ng away, Ang pilipinas ay hindi lang mayaman sa mga pilak ,ginto o mga diyamante kundi mayaman din tayo sa pag uunawa, pagkamalikhain at higit sa lahat ang pagmamahal sa bayan.Kaya isa lang ang masasabi ko hindi niyo kami kayang tibagin sa larangan ng sayawan kaya ano ang hinihintay niyo ? Sayawan na!!!!!
      Ang pagasasayaw ay hindi talaga basta basta, madali man itong sabihin pero mahirap itong gawin sapagkat ito ay nakaugalian na ng mga pilipino dahil parte ito ng ating kultura. Ang pag sasayaw ay ,madali lamang para sa amin dahil ang pagsasayaw ay naging habbit na namin sa aming buhay, kung gusto niyo talagang matuto ng pag sasayaw kailangan meron kayong mabuting kalooban at mapag bigay sa kapwa at marunong makipag salamuha sa ibat ibang uri ng mga tao. Mahalin mo ito at ituring na parte ng iyong buhay. Ang pag sasayaw ay pwedeng gawing ehersisyo sa araw-araw para maiwasan ang ibat ibang uri ng karamdaman. Maraming uri ng sayaw, may sayaw na mahinhin at may sayaw rin na maliksi sapamamagitan ng pagsasayaw ay maipapahiwatig natin ang ating kultura. meron tayong hip-hop dance,jazz,ballet,zumba,swag,crump at iba pang uri ng sayaw. Sapag tuturo ng pagsasayaw ay hindi basta basta kung hindi ka marunong nito, ang pag sasayaw ay pwede ring tawaging talento o angking galing na ikinaloob ng ating Diyos na may kapal sa talento ng tao na hindi maipaliwanag na dahilan.
        Ang pagsasayaw ay isang talento na kung saan ito ang iyong maipapalabas sa iyong physical na pagkatao nakung tawagin ay "talento" ang pagsasayaw din ay lahat ng mga bahagi ng iyong katawan ay gumagalaw dahil ang pagsasayaw ay magbibigay ng saya ng nanonood at sabi ko naman sa sarili ko ay bakit ba lahat ng mga magulang ay hindi gusto ng ganyan na talento, buti nalang merong ganyan na talento kaysa sa mag droga dahil yang talento na yan ay magbibigay katuwaan sa sayaw at dapat din na ang pag sasayaw ay ito din ang iyong fashion sa buhay at karamihan din saatin ay ibat ibang mga grupo ng pagsasayaw at pangarap ko ding maging professional chereographer sa pagsasayaw dahil dadaan tayo sa mga ganyang sitwasyon. buhay ko naman ang pag sasayaw pero inilagay ko naman sa tamang lugar ang pagiging mananayaw ko nagpapasalamat din naman akona binigyan ako ng ganitong talento. dahil noon ay wala pa akong nalalaman sa pagsasayaw binalewala ko lang pero ngayon ay meron pala akong alam sa pagsasayaw dahil lahat pala ng katawan ay gumagalaw. dahil ngayun meron na akong grupo sa pagsasayaw at gusto ding lagpasanang mga ibang kontrang grupo pero dadaan pa din kami sa mataas na training para ang galwa namin ay lumakas para kung merong mga dance compitition ay pwede na kaming sumali at para naman may challenge naminyung sarili sa kanila para hindi din kami matatakot sa kanila. hindi kona talaga makakalimutan ang pagsasayaw dahil buhay kuna ang pagsasayaw.


MEMBERS:
-JHON LLOYD CAMPANER
-RAFCEL BLANCADA
-JASON PABELLAN
-JOHN LEMUEL FERNANDO

Lunes, Oktubre 23, 2017

"MAAYOS NA KAPALIGIRAN PAANO MAISAKATUPARAN?"
(-Environmental Blog-)
nina: Gumubao, Capin, Quiroben, Lindo.
Ako po ay isang mag aaral sa Dacudao na may isang layunin sa ating kalikasan.Hindi lang po ako at kapwa mag aaral ko po ay may pananagutan kundi tayong lahat na naninirahan sa mundong ito may pananagutan sa nang yayari sa ating kalikasan .Ayon sa pamagat ay " paano nga ba natin maiisakatuparan ang maayos na kapaligiran ?" para sa akin simple lang ang mga gawin dapat sundin ang ating mga alintuntunin sa pangangalaga ng ating kapaligiran .Sa pamamaraan ng lagtapon ng basura sa tamang kalalagyan nito, gamitin ang tamang paraan ng pag rerecycle kagaya ng reduce, reuse, and recycle upang maiwasan ang pag dami ng mga basura .At may organization na nag lalayong tugunan ang pag tatanim ng mga punong kahoy upang makikinabangan sa pag pigil ng pag baha, pag tatanim ng gulay para ang mga batang dumaranas ng malnutrition.

Ngunit sa simpleng pag sunod ng mga gawaing ito ni hindi nga natin naiisakatuparan bagkus nag papalala pa sa pag palaganap ng pulosyon,usok at kalamidad na nag dudulot ng mga maraming masasaganang trahidya ang dumadating sa ating buhay dahil sa ating mga kapabayaan at walang pakialam sa mga nangyayari sa ating kalikasan. paano ba natin maisakatuparan ang pag kamit ng maayos na kapaligiran ni Hindi nga natin magagampanan ang ating mga responsebilidad ni pag tapon ng basura sa tamang lalagyan ay hindi pa natin magagawa pati na sa nadaanan nating basura di nga natin magawang pulutin ito .Tuwing dumarating ang mga pag baha, bagyo, o trahidya hindi ba natin maisipang itama ang ating kamaliang nagagawa? Sempling paraan pangangalaga ng ating kalikasan ngunit bakit ba pa ulit ulit tayong nangangako ngunit paulit ulit lang nating binabaliwala at kinalimutan ang mga ito.Hindi nga napansin at parang bulag sa mga nakikita sa mga pangyayari marahil mapapansin lang natin ang nga maling naidudulot natin kapag wala ng mapag kukunan ng mga pag Kain at kumakalam na ang ating mga sekmura o kayay maraming tao ang mamatay dulot ng mga unos na atin ring ginagawa .maraming mga mangingisda ang gumagamit ng daynamita upang mapadali at mapabilis ang paghuhuli ng mga isda ngunit imbes na nakakatulong mas pinalalapa nla ang sitwasyon , pwedi namang gumamit ng lambat namay katamtamang butas upang maiwasan ang pagkahuhuli ng mga maliliit na isda.

Ang isa ring dahilan sa pag baha ay ang pag puputol ng mga punong kahoy na mag dudulot ng landslide na para bang wala ng bukas .Hindi bat nila alam na pinapatay nila ang mga buhay at bahay ng mga ibon, hayop na kanilang kinagigisnang tahanan at dinadakip pa nila ang mga ito upang ibenta at mapagkikitaan sana maisipan natin ang mga pangyayari pagdadating na magkakaruon tayo ng mga anak. Di ba ayaw ninyong iparanas sa inyong mga anak ang mga masasamang naidudulot ng ating makasarili at katangahan ayaw ninyong ipadanas sa inyong anak ang mas malala pang setwasyon. paano nalang kung ang pulosyon ay nag dadala na ng matinding sakit na maari nlng ika matay . Diva ayaw nating makikita ang ating mahal sa buhay na nahihirapan dahil sa mga kagagawan nating kamangmangan .ito lang ang masasabi ko at naniniwala ako sa kasabihan na ito. "Ang mga maling ginagawa mo ay babalik at babalik din sayo .kaya huwag na nating ipag papatuloy ang ating mga maling ginagawa dahil ang kalikasan ay regalo ng puong maykapal sa atin upang aalagaan natin ito dahil dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan.

Wala tayong karapatan na sirain ito dapat nga tayoy mag papasalamat sa kanya dahil tayoy nabubuhay at naging maayos ang ating pamumuhay. Kaya bakit ba natin sinisira ito kung nakikinabangan nating lahat ang mga biyayang ibinigay niya imbes na sinisira natin bakit di natin pagyayabungin at payamanin ang mga ito na mas makikinabangan pa natin ng husto at ng bansa at ekonomeya sa pag-uunlad. Ang dali-dali lang sundin ang pag aalaga ng ating likas na yaman ngunit bakit Hindi natin magawa o sadyang tamad lang talaga tayong sundin ang mga ito .nginit Hindi matin ginagamit ang mga ito sapag aalaga ng ating kalikasan .kapag duma duma rating duma rating ang mga unos diyos kaagad ang ating sinisisi sa ating mga kagagawang kamangmangan at katamaran dapat na nating imulat at buksan ang ating mga mata at isipan.

Uumpisahan na nating baguhin ang ating nakasanayan maging matalino, mapagmatyag na mag aaral upang makamit ang ating mga mithiin na maging maayos at komportableng kinabukasan para sa bayan at mga bagong henerasyon. Disiplina at respeto ang kailangan para sa pag babago ng ating bansa. Gawin ang kailangan ang kailangang gawin para mapabuti ang kalagayan ng ating kalikasan dahil tayo rin ang aani ng ating pinaghihirapan at tagumpay.Dapat maging isa tayong modelo para sa mga mahahalagang sangkap upang makamtan at maabot and inaasan na maayos na kalikasan patungo sa magandang kinabukasan.

Ang Bagong Henerasyon

Fashion Blog
Ang Bagong Henerasyon Sa panahon ngayon kung ikukumpara natin sa panahon nuon. Ang pananamit ay malayong-malayo sa bagong henerasyon, kung babalikan natin ang 80’s at 90’s o kahit man lang 90’s nakasuotan nuon. Kagaya na lamang ng mga mabubukang pantalon,mahahabang palda,mahahaba at malalaking damit,malulumang desenyo kung inyung mababalikan ang pormal na lumang kasuotan.Katulad na lamang ng barong tagalog (Kulay Puti) at pilipinyana (Kulay Degatas) matataas na manggas sa damit. At kung sa mga sayaw natin ikukumpara ang mga kasayawaan nuon ay tinikling o sayaw ng kawayan folk dance na binislakan. At kung mapapansin natin ang kanilang kasuotan na ginagamit nila ay pormang pilipinyana at pormal na pormal ito. Kumpara sa panahon ngayon maraming uri ng sayaw kagaya nalang ng Hiphop Dance, Modern Dance at kung mapapansin natin ito ay hindi na pormal dahil sa kanilang kasuotang maiiksi na damit. Atin ding mapapansin na halos makikita na ang buong katawan dahil sa kaiksian ng kanilang damit . At kung ating matatanaw o ating ikukumpara sa bagong henerasyon marami na ang kaibahan malayong malayo sa pananamit nuon. Kung ating matatanaw ngayon bilang isang mag-aaral sa bagong henerasyon ating mapapansin ang bagong mga kasuotan. Katulad na lamang ng mga bagong damit na V-Neck,Polo Shirts,Rip Jeans,Off Shoulder, Skirt,Long Sleve,Skiny Jeans At marami pang iba. At mapapansin natin ang kasuotan sa paa kagaya na lamang ng mga sapatos na mamahalin Adidas,Sneakers,Levis,Duck Side,CLN,Kickers,New Balance,Vans,Keds at kung sa mga tsinelas naman tayo hindi magpapahuli ang mga bagong uso na tsinelas tulad ng Manjaru,Sandugo,Islander,Tribu,Havainas . At kung mga gadget naman ang pag uusapan patok na patok ang mga high-tech na mga selpon katulad ng mga Iphone 4,5,6,7,Samsung J2,Samsung Galaxy,Samsung A7,Asus,Cherry Mobile,Vivo,0+,Oppo . At kung pag uusapan natin ang mga high-technology hindi magpapahuli ang mga computer,Projector,Internet,Aircon at marami pang iba mayroon na din tayong Rice Cooker,Oven,Washing Machine at marami pang iba na mabilis matapos ang iyong trabaho. At nakikita natin ngayon ang mga kabataan ay hindi nagpapahuli sa uso habang ang taon ay pataas ng pataas ang mga kagamitan naman ay paiba ng paiba. Maraming nangyayari sa bawat pagsapit ng taon ang bawat kada-taon unting-unti na ring nagbabago at hindi na nila iniisip ang kanilang mga kasuotan kahit ito ay malaswang tingnan sa mata ng mga tao . Dahil sa bagong henerasyon nababago rin ang mga ugali hindi lamang sa pananamit ng mga kabataan nawawalan na din ito ng respeto sa mga nakakatanda.Hindi na nila napapansin ang kanilang mga sarili sa kanilang suot na para bang natural lang ito sa kanila nagiging ordinary nalang ito sa kanila dahil nga sa makabagong henerasyon. Hindi naman lahat pwede nating bagohin dahil para maging sikat tayo at ka tanggap-tanggap para sa ibang tao bilang isa sa mga kabataan sa bagonghenerasyon o sa hinaharap wag nating kalilimutan ang mga kultura natin. Kung magbabago pa tayo marami bang magandang asal ang makukuha hindi lahat madadaan sa padalian hindi kailangan sumabay sa uso bawat taon dahil darating din ang panahon na ito ay luluma. Hindi kailangan magsuot ng magagarang damit,maiiksing damit na halos makikita na ang iyong katawan para lang matawag kang maganda ang tunay na kabataan kontento na sa anong meron siya at marunong makontento sa bagay-bagay. Hindi naman niyan ang basihan dito sa lupa kaya magsuot ng maayos upang ikaw ay respetohin ng kararamihan sana magmulat ang inyong mga mata sa katotohan maging totoo lamang sa iyong sarili ipakita mo kung ano ka at kung sino ka maging isang magandang halimbawa dito sa mundo.






Jessa May Samaco
Mary Grace E. Luchavez
Dayanna Maruyama
Ravin Cabiling
Proceso Macapaz





PERSONAL BLOG

PAGKAKAIBIGAN.. 
Isang salita na may malalim na kahulugan. 
Isang salita na tiwala ang pundasiyon. 
Ibat-ibang ugali ng bawat isa pero pero kahit ganun, masaya kami pagmagkasama.

Merong parang baliw na nagbibigay ng aliw at pagtawa ng bawat meyembro.
Tahimik na akala mo pipi pero pagnagsalita may laman ang bawat sinasabi.
Yung kaibigan mong hugot ng hugot wala namang lovelife! 
May bibig na walang tigil sa pagputak 
Pero kahit ganun yung ugali namin ang kumukompleto sa barkada. Hindi man sinasabi pero kaming lahat may paki sa isat-isa at sa sarili.
Hindi namin sinasabi na kami ay totoo bagkus pinapakita namin ito. Hindi namin pinapansin ang mga negatibong kumento ng mga tao basta kami ay masaya at walang tinatapakanng iba. 
Mga ngiti ng bawat isa ay napakahalaga kaya kapag ikaw ang dahilan ng pagluha nila kaming lahat ang makakaharap niyo, pasensiyahan nalang tayo. 
Mga kalokuhan ng bawat isa sinasabayan namin pero pag alam naming subra na kami ay titigil.
Sa pagkakaibigan hindi mawawala ang away, galit, at tampuhan pero sana hindi ito ang dahilan ng ating hiwalayan.
Kasi sa inyo ko lang napapakita mga kabaliwan at mga ugali kung kayo lang ang nakakakita. 
Mga suyuang hindi natatapos dahil mas mahalaga ang samahan nating sana ay hindi malaos.
Mga kaibigan na turing e kapatid na. 
Kaibigan na mas gusto mong kasama kesa sa iba. 
Kaibigan na tutulungan ka
mapagbigay at madaling makaunawa.
Makaunawa pag kailanan mo ng tulong lalo na sa panahon ng paghuhukom (exam). 
Sasamahan ka sa mga kalukuhan. Kasama na diyan ang paglaglag kung sino ang iyong nagugustuhan. Tuksuan pag malapit meron pang tinutulak na sanhi ng pagkahulog. Pagkahulog ng puso kasi sa sobrang tibok dahilan ng hirap sa pagtulog. Alam namin yan lahat kasi sinasabi namin kahit sa maliit na detalye hindi pinapalagpas. 
Mga kaibigan na dadamayan ka sa pagdadalamhati kasi may jowa na pala ang taong gusto mo at sabay naman kayong sisigaw ng "walang poreber!!" 
Syempre hindi mawawala diyan yung mga feeling magaganda kumanta.
Kakantahan ka sa tuwing nakikitang ang taong gusto mo'y may ibang kasama. 
At siyempre hindi mawawala ang magaling sa sayawan.
Yung isasayaw mo nalang ang problema niyo.
Yan ang trip namin kaya shut up! 

Sa pagkakaibigan namin makikita mo na lahat.
Taba
Payat
cute
pretty
pandak
tangkad
sexy (xD)
baliw 
abnormal 
mabait 
maganda
madaling magalit 
maganda
pango
maganda
libreng PDA (Public Display of Abnormality XD)
MAGANDA
tahimik
MAGANDA
madaldal 
Maganda
at higit sa lahat 
MAGANDA

Hindi man kami yung perpiktong barkada o kaibigan.
Pero asahan niyong sa away kahit isa ang kinalaban mo .. 
Sa away na yan lahat damay.
Mahal namin, oo namin ang isat-isa kahit minsan kami ay nag aaway away. 
Hindi naman yan mawawala sa barkada o kaibigan mo talagang tunay.
Parang sa magjowa lang yan. 
Minahal mo, tiwala na ang nakasintro sa inyo.
Pag-ibig, paniniwala, at tiwala yan lang ang kailangan.
Para maging matatag ating pagsasamahan. 
Mga kabaliwan nasa atin kaya sana hindi magbago. 
Mga pakitungo natin sa bawat isa.
Manatili sana ating pagsasama.
At ang paglisan ng isa sanay hindi mangyari.
Pag-usapan natin mga problemang bagay.
Mapag-usapang mabuti para walang aalis.
Masakit kasi makita ang taong mahal mong umaalis.
Masaya tayo kaya sana hindi magbago.
Masaya kayo kasama sana hindi magsawa.
Ngiting hindi napapawi pag tayo ang magkapiling.
Daldal ng daldal pag tayo tayo lang.
Pero pag sa iba daig pa ang maldita.
Sa mga ugali nating yan sana walang mag bago.
Kasi tanging kayo lang madaling makasama.
Di man natin masabi.
Sa isat-isa'y tayo ay importante.
Mga Dae, Salamat at nagkakilala.
Kulungkutan ko'y napalitan ng tawa.
Salamat sa pag intindi.
Kahit problema'y hindi sinasabi.
Salamat tangi naming masasabi. 

Nagmamahal ang barkada ng bawat isa.

Jenny Geraldez
Margie Torcende
Marcelina Falcon 
Jezel Sanico
Mary Grace Roxas

Linggo, Oktubre 22, 2017

"Teknolohiya Iniibig Kita"

"Teknolohiya , Iniibig Kita"


                  Sa panahon natin ngayon laganap na ang paggamit ng teknolohiya , smart phones , tablet at computers mga kagamitang handog ng teknolohiya. Smartphones na para sa isa't isa at computer na gamit na gamit talaga.
                Makabagong teknolohiya nag nagpapadali sa mga gawain natin ngayon, pamilya mong nasa malayo pakiramdam mo'y nasa malapit lng yan ay dahil sa teknolohiya . Noon ay "keypad na cellphone" naluluma na dahil sa nauusong "touchscreen", isang pindot lang nakikita mo na at nakakausap ang pamilyang nasa malayo. Mga bagay na gusto mong malaman "google", lng ang kailangan. Teknolohiya ka'y sarap pakinggan, nagpapagaan ng damdamin sa tuwing ikaw ay may problema "online games" lang ay napapatawa ka na. Sa larangan ng philosophy at history, mga nakaraan na maaari ng malaman at balikan. Pagdating sa mga takdang aralin computer ang matatakbuhat, konting research lang at tiyak ng makakakuha agad ng impormasyon. Pagdating naman sa negosyo "onling selling" ang nauuso, hindi muna kailangan magpakapagod maibenta lang ang iyong mga produkto, simpleng post lang ay makakabenta at magakakapero ka na Chat at videocall nauusong gawain ng mga tao ngayon lalo na ang mga kabataan. Sa tulong ng teknolohiya talento mo,y iyong mapapalabas. Mga pangyayari sa iyong kapaligiran ay madali mo ng malalaman dahil sa teknolohiya. Marami pang pasitibong at mabubuting dala ang teknolohiya, ay kailangan lang natin ay mandiskubre pa at palawakin ang nalalaman kaya teknolohiya'y pahalagahan at paghandaan para sa darating na kinabukasan. 
              Laging tatandaan huwag abusohin ang teknolohiya dahil nakakasira rin ito sa ating kinabukasan. Dahil hindi lahat ng gumagamit ng teknolohiya ay mabuti ang intensyon meron ding sumisira sa isang tao o isang banyan. Dahil kaya kayong ibagsak ng teknolohiya. Gawaing mali ating ituwid tungo sa mabuting kinabukasan.

PAG-ABUSO SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA

                                                                         Sa blog na ito maipapaliwanag ang mga gawaing pag-aabuso sa paggamit ng teknolohiya,ang pagkagumon ng mga tao lalo na ng mga kabatan sa iba't ibang uri ng teknolohiya , ang mga epekto na maidudulot ng teknolohiya sa lipunan mga masasama o mabubuting epekto nito.
                                           pag-aabuso sa teknolohiya ay isa sa mga suliranin ng lipunan na dapat tutukan, at iwasan , nawa'y mabigyan ng solusyon at tuunan ng pansin. Alam naman, nating nakadepende na sa tao kung paano niya kokontrolin ang paggamit ng teknolohiya, kapag ginamit ito sa mabuti at madalas maaaring maliit lamang ang epekto nito sa tao , at kapag ginamit ito ng lubusan at nakasanayan ng gamitin maaaring malaki ang epekto nito.
                                            Sa mabuting epekto tayo dadako, malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa ngayun dahil ito ay parte na ng ating buhay. Nagagamit ito ng mga estudiyante katulad namin sa takdang aralin, proyekto at iba pang gawain sa paaralan. Sa trabaho na gagamit din ito lalo na sa mga trabaho gumagamit ng computer sa buong araw. Oo nakakatulong ito at napapadali ang mga gawain ngunit may ruon itong malalang  epekto sa tao kapag napapadalas gamitin


  • Una, mayroon itong "RADIATION" na nakakaapekto sa pag iisip o pagana ng utak ng tao.
  • Pangalawa, pagkagumon ng mga kabataan sa teknolohiya, may iba ay umaabsent sa skwela, dahil dito na nagdudulot ng mababang marka sa pagaaral.
  •  Pangatlo, ang hindi pag sunod sa utos ng magulang dahil inuuna ang pag gamit ng teknolohiya.
  • Pang-apat, ay nakakahina ng " immune system " dahil sa mahabang oras na paggamit ng gadget at nakakalimutan  ng kumain sa tamang oras.
Panghuling epekto ay ang away kabataan sa social media, "CYBERBULLYING" kung saan ginagamit ang teknolohiya sa maling paraan.
                                      Sa ating bagong henerasyon lumabas ang mga makabagong teknolohiya na ngayon ay ginagamit na mga kabataan. Ang ilan sa atin ay inaabuso na ang paggamit ng mga teknolohiya.
                                                       Ito  man ay nakakasira sa atin, walqa tayong magagawa kapag hindi natin kayang kontrolin ang ating mga sarili na gamitin ito ng maayos. Huwag natin hayaan ang sarili na malulong at maging bisyo ang teknolohiya, huwag natin itong abusuhin sapagkat tayo din ang maaapektuhan sa ating mga pinaggagawa.

                                                      Paano ba maiiwasan ang pag-aabuso sa  iba't ibang teknolohiya?
                                   Ang disiplina ay nagsisimula sa ating sarili, maaarin natin itong maiwasan ito sa pagkontrol ng ating mga pinagagawa. Ginagamit man ito sa pang araw araw na buhay, wala tayong karapatan upang abusuhin ito. Gamitin ito sa tamang paraan at sa pangangailangan lamang . Hindi naman ito ginawa para sa atin upang mang gulo at manira ng buhay ng ibang tao. At kung ito man ay ginawa sa paninira ay sana hindi nalamang ito naimbento pa .
                                                        Ang layunin ng blog na ito ay manghikayat ng mga kabataan na mamulat sa katotohanan sa mga pangyayaring hindi na nila namamalayang mali na pala.




TAGAPAGPAHAYAG:      MICHELLE CABALLES
                                              ARNEL BENDIJO 
                                              EDRELL MARK MOSNIT
                                              ROCEL JOHN BATILLER
                                              MARLON BASALO